Pagsuko

Hindi lahat ng nangiiwan ay meron ng iba.

https://www.google.com/amp/s/isaw.company/2017/11/16/vapours-of-sadness/amp/

Hindi lahat ng nangiiwan ay hindi nasasaktan.

At lalong hindi lahat ng nangiiwan ay ginustong mangiwan.

May mga pagkakataon lang talaga na hindi mo na hawak ang sitwasyon. Kung saan kailangan mong pumili sa kasiyahan mo o sa ikabubuti ng minamahal mo.

Oo, mali. Mali na iwan ko siya dahil sa sitwasyon na hindi naman niya ginusto, sa sitwasyon na pareho naman naming hindi ginusto.

Pero paano? Paano kung mas tamang iwan mo sya? Paano kung ang pagalis mo lang yung hininihintay nila para mas maging maayos sila?

I have been considered a constant hindrance to their family. They don’t like me. No, she doesn’t like me. His mother doesn’t like me.

Lalabanan ko ba? O susukuan ko nalang?

Mali ba ako dahil sinukuan ko? Mali bang mas pinili kong maging maayos nalang sila kesa maging maayos kami?

Kailangan kong tapusin, kailangan kong itigil. At ngayon, masisisi mo ba ako dahil nasasaktan ako sa pagpiling iwan siya kaysa ipaglaban siya kung nakikita kong naging okay na sila simula ng mawala ako sa buhay niya?

Minsan ang sakit isipin na hindi lang kayo ang involved sa isang relasyon. At ang pinakamasakit ay yung kailangan mong sumuko – hindi dahil hindi niyo na mahal ang isa’t-isa, kung hindi dahil dun sa fact na hindi lang kayo ang involved sa relasyong akala niyo ay pangdalawang tao lang.